|
||||||||
|
||
Inulit Lunes, Abril 30, 2018, ni Pangulong Mahmoud Abbas ng Palestina, na hindi tinatanggap ng kanyang bansa ang Amerika bilang separate mediator sa prosesong pangkapayapaan ng Palestina at Israel.
Ipinahayag nang araw ring iyon sa Ramallah ni Abbas na kung talagang nais gawin ng Amerika ang nakakatulong na bagay, dapat itong katigan ang "Plano ng Dalawang Estado," at dapat ding katigang ang East Jerusalem ay kapital ng nagsasariling estadong Palestina.
Noong Disyembre 6, 2017, ipinatalastas ni US President Donald Trump na kinikilala ng Amerika na ang Jerusalem ay kapital ng Israel, bagay na nagdulot ng matinding kawalang-kasiyahan ng panig Palestino.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |