|
||||||||
|
||
Ipinasiya nitong Sabado ng gabi, Pebrero 3, 2018, ng Komisyong Tagapagpaganap ng Palestine Liberation Organization (PLO), na isakatuparan ang nagawang resolusyon ng Komisyong Sentral nito na humiling sa pamahalaang Palestino na agarang komprehensibong putulin ang pakikipag-ugnayan sa Israel.
Idinaos kagabi sa palasyong pampanguluhan ang pulong ng Komisyong Tagapagpaganap ng PLO na pinanguluhan ni Pangulong Mahmoud Abbas. Ayon sa isang komunikeng ipinalabas pagkatapos ng pulong, hinimok ng PLO ang pamahalaan na agarang itigil ang ugnayan sa Israel sa mga larangang gaya ng pulitika, pangangasiwa, kabuhayan, at seguridad hanggang hindi kinikilala ng panig Israeli ang estadong Palestina.
Ipinagdiinan ng komunike na hinding hindi nito pahihintulutan ang paglapastangan ng Israel sa karapatan ng mga mamamayan at kapakanan ng estado ng Palestina. Anito, hindi dapat manghimasok at mamagitan ang pamahalaang Amerikano sa Palestina sa isyung ito. Dapat agarang itigil ng Amerika ang pagpanig nito sa Israel, dagdag pa nito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |