|
||||||||
|
||
Ipinahayag Lunes, Abril 30, 2018, ni Mike Pompeo, bagong halal na Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, na ang "Plano ng Dalawang Estado" ay isa sa mga "posibleng plano" sa paglutas sa isyu ng Palestina at Israel. Aniya, ang pinal na kalutasan ay dapat ipasiya sa pamamagitan ng pagsasanggunian ng Palestina at Israel.
Winika ito ni Pompeo sa isang magkasanib na preskong idinaos nila ni Ministrong Panlabas Ayman Safadi ng Jordan. Nanawagan din siya sa panig Palestino na bumalik sa landas ng diyalogong pulitikal.
Sinabi naman ni Safadi na ang isyu ng Palestina at Israel ay pinakamahalagang isyu sa Gitnang Silangan. Sa mula't mula pa'y naninindigan ang Jordan na itatag ang nagsasariling estadong Palestina na may kabiserang East Jerusalem, aniya pa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |