Naypyitaw, Mayo 9, 2018—Kinatagpo si Zhao Kezhi, dumadalaw na Kasangguni ng Estado at Ministro ng Pampublikong Seguridad ng Tsina nina Win Myint, Pangulo ng Myanmar at Aung San Suu Kyi, State Counsellor ng Myanmar.
Ipinahayag ni Zhao na pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon sa Myanmar. Matatag aniyang kumakatig ang kanyang bansa sa pagsisikap ng Myanmar para pangalagaan ang seguridad at katatagan ng bansa. Dagdag pa ni Zhao, nakahanda ang Tsina, na isakatuparan ang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, at pangalagaan ang interes ng dalawang panig sa seguridad at pag-unlad, upang makapagdulot ng benepisyo sa mga mamamayan, at mapasulong ang komprehensibo at estratehikong partnership sa bagong antas.
ipinahayag naman nina Win Myint at Aung San Suu Kyi ang pasasalamatan sa pagkatig ng pamahalaan ng Tsina sa proseso ng kapayapaan at pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Myanmar. Umaasa anila silang ibayo pang susulong ang mga proyekto sa ilalim ng Belt and Road Initiative, at lalalim ang kooperayson sa pagpapatupad ng batas, seguridad at iba pa.
salin: Lele