Binuksan Miyerkules, Mayo 9, 2018, sa Dehong, Lalawigang Yunnan sa dakong timog ng Tsina ang Ikalawang Porum ng Think Tank ng Tsina't Myanmar. Iniharap ng mga kalahok na dalubhasa mula sa nasabing dalawang bansa ang kuru-kuro at mungkahi hinggil sa pagtatatag ng Myanmar-China Economic Corridor.
Layon ng nasabing corridor na paginhawahin ang koordinasyong pampatakaran, pagkokonekta ng imprastruktura, kalakalan, pinansya, at pagpapalitan ng mga mamamayan at iba pang may kinalamang tauhan ng Tsina at Myanmar. Ang China-Myanmar Economic Corridor ay bahagi rin ng Bangladesh-China-India-Myanmar-Economic Corridor. Ang Dehong na kahangga ng Myanmar ay matatagpuan sa China-Myanmar Economic Corridor.
Salin: Jade
Pulido: Rhio