|
||||||||
|
||
Angeles City—Idinaos Biyernes, Mayo 11, 2018 sa Angeles University Foundation (AUF) ang final rounds ng Philippine Division ng Ika-17 Chinese Bridge-Chinese Proficiency Competition for Foreign College Students. Ito ang muling pagdaraos ng kompetisyon sa Pilipinas nitong 4 na taong nakalipas.
10 estudyanteng Pilipino ang lumahok sa paligsahan. Naging kampyon si Percia T. Adil na mula sa Confucius Institute ng AUF at siya ang lalahok, sa ngalan ng mga estudyanteng Pilipino, sa final round ng Chinese Bridge na idaraos sa lunsod ng Changsha ng lalawigang Hunan ng Tsina.
Si Percia T. Adil
Si Pan Feng (kaliwa), Culture Counselor ng Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas habang naggagawad ng gantimpala kay Percia
Si Percia habang nagtatalumpati sa wikang Tsino sa paligsahan
Si Percia habang umaawit ng kantang Tsino
Ang mga tagapagtasa at manonood sa paligsahan
Ang pinal na round ng kompetisyon ay kinabibilangan ng 3 bahagi: una, kaalaman hinggil sa Tsina, speech sa Mandarin at pagtatanghal ng kahusayang may kinalaman sa Tsina.
Sulat: Ernest
Larawan: Sissi
Pulido: Mac
Web-edit: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |