Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

"Seminar on China-Philippines Production Capacity and Investment Cooperation," idinaos sa Beijing: bentahe ng Pilipinas, inilahad

(GMT+08:00) 2018-04-18 17:13:33       CRI

 

Beijing, Tsina – Sa kanyang pambungad na talumpati ngayong araw, Abril 18, 2018 sa pagbubukas ng Seminar on China-Philippines Production Capacity and Investment Cooperation, sa Changfugong Hotel, ipinahayag ni Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina ang pasasalamat sa Tsina sa pagpupunyagi nito upang ma-enkorahe ang mga kompanyang Tsino na maglagak ng puhunan sa Pilipinas.

Si Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina

Aniya, sa katatapos lamang na Bo'ao Forum for Asia (BFA) sa Lalawigang Hainan, Tsina, naging saksi sina Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas at Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa paglagda sa mga letter of intent ng 9 na kompanyang Tsino na nais mamuhunan sa Pilipinas.

Dagdag ni Sta Romana, sa okasyong iyon, ipinagdiinan ni Pangulong Duterte na bukas-palad at handa ang Pilipinas na makipagtulungan sa mga dayuhang negosyante upang maitatag ang malakas na ekonomiya ng bansa.

Anang embahador Pilipino, inilahad din ni Duterte ang mga hakbang ng Pilipinas upang mapabuti ang klima ng negosyo, maisulong ang pagpapadali ng pagtatayo ng negosyo, at ipakita ang kagandahang-loob at sinseridad ng Pilipinas para sa mga Tsinong mamumuhunan.

Aniya, ang kooperasyong pang-ekonomiya ay patuloy na nagiging lakas-tagapagsulong ng relasyong Pilipino-Sino, at ang Tsina ay isa sa mga lumalaking pinanggagalingan ng dayuhang puhunan sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan, ang Tsina ang ika-8 pinakamalaking pinanggagalingan ng dayuhang direktang puhunan (FDI) ng Pilipinas.

Umaasa si Sta. Romana na patuloy pang lalaki ang pamumuhunan ng mga kompanyang Tsino sa bansa sa mga susunod pang taon.

Samantala, ipinagmalaki ng embahador Pilipino ang malawak na pamilihang domestiko ng Pilipinas, na nagkakahalaga ng mahigit sa USD100 milyon.

Si Amb. Sta. Romana,  kinapanayam ng mamamahayag ng CRI

"Ang Pilipinas ay may paborableng makro-ekonomikong kapaligiran para sa mga gustong maglagak ng puhunan. Ang aming bansa ay patuloy na nagiging isa sa mga pinakamabilis na lumaking ekonomiya sa Asya, dahil ito sa aming malakas na pundamental na polisiyang makro-ekonomiko," dagdag ni Sta. Romana.

Ayon sa 2018 Asian Development Bank (ADB) Outlook, ang inaasahang paglaki ng ekonomiya ng Pilipinas sa taong ito ay 6.8%.

Sa kabilang dako, ayon naman sa World Bank (WB), ang paglaki ng GDP ng Pilipinas para sa taong 2018 at 2019 ay nasa 6.7%.

Dahil sa mga ito, "iniimbitahan namin kayong maglagak ng puhunan sa Pilipinas," ani Sta. Romana,

Samantala, sa kanya namang hiwalay na presentasyon, isiniwalat ni Glenn G. Penaranda, Commercial Counsellor ng Pilipinas sa Tsina ang mga priyoridad ng Pilipinas na bukas sa paglalagak ng puhunan, at hinikayat din niya ang mga dumalong negosyanteng Tsino na subukang tingnan ang prospek ng negosyo sa mga ito.

Si Glenn G. Penaranda, Commercial Counsellor ng Pilipinas sa Tsina

Kabilang sa mga larangang binaggit ni Penaranda ay: manupaktura; agrikultura; pangingisda; panggugubat; estartehikong serbisyong tulad ng IC design, mapanlikhang industriya, pagmementina at pagkukumpuni ng mga sasakyang panghimpapawid, charging station para sa mga de-bateryang sasakyan, treatment ng industriyal na basura, telekomunikasyon, at marami pang iba.

Kasama rin aniya sa mga priyoridad na nabanggit ay serbisyo sa pangangalaga sa kalusugan, pagtatayo ng mga sentrong panrehabilitasyon para sa mga lulong sa ipinagbabawal na gamot, pabahay para sa masa, enerhiya, inklusibong modelo ng negosyo, innovation drivers at mga proyekto hinggil sa kapaligiran o pagbabago ng klima.

Inilahad din ni Penaranda ang mga insentibong alok ng Pilipinas para sa mga kompanyang Tsino na nais maglagak ng negosyo sa Pilipinas, at kabilang dito ang income tax holiday.

Aniya, sa karaniwan, ang corporate na buwis na ipinapataw ng Pilipinas sa mga negosyo ay 30%, pero dahil sa mga hakbang ng bansa upang padaliin ang proseso ng pagatatayo ng negosyo at papasukin ang mga dayuhang mamumuhunan, partikular ang mga negosyanteng Tsino, 3 hanggang 6 na taong income tax holiday ang ipagkakaloob ng bansa.

Dagdag pa niya, bilang bahagi na rin ng isinasagawang hakbang ng Pilipinas, ibinaba na sa USD200,000 ang minimum na puhunan upang makapagtayo ng sariling negosyo sa Pilipinas.

Sa mga susunod pang taon, patuloy pang pabubutihin ng administrasyong Duterte ang liberalisasyon ng pamumuhunan, aniya pa.

Ang Seminar on China-Philippines Production Capacity and Investment Cooperation ay magkasamang inorganisa ng Philippine Trade Investment Center ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing at China Overseas Development Association ng Department of Foreign Capital and Overseas Investment ng Tsina.

Kasama sa mga sumuporta sa naturang aktibidad ang Zurich General Insurance Company (China) Limited, Industrial and Commercial Bank of China Limited, at Banco De Oro (Unibank).

Ulat: Rhio
Larawan: Lele
Web-edit: Lele/Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>