HANDANG lumisan sa kanyang tanggapan si Senate President Aquilino Pimentel III subalit hindi umano ito magaganap sa darating na Lunes, ika-21 ng Mayo. Ito ang kanyang reaksyon sa lumabas na balitang papalitan siya sapagkat maya resolusyon siyang nilagdaan na nagsasabing walang poder ang Korte Suprema na kumilos sa mga usaping may kinalaman sa impeachment sapagkat tanging Senado lamang ang may kapangyarihan.
Wala umano siyang nababatid na resolusyong nagsasabing papalitan na siya bilang senate president at makakahalili si Majority Leader Vicente Sotto III. Hindi na umano kailangan ang loyalte check.
Handa umano siyang palitan ng sinumang may poder pa na higit sa ika-30 ng Hunyo 2019 sa pagtatapos ng second regular session ng 17th Congress.
Binanggit ni Senador Pimentel na kakandidato siyang muli sa 2019 at inaasahang magpaparating ng kanyang certificate of candidacy sa darating na Oktubre ng taong ito.
Kabilang umano sa mga lumagda sa resolusyong sisibak sa kanya sina Senador Juan Edgardo Angara, Nancy Binay, Joseph Victor Ejercito, Francis Escudero, Sherwin GAtchalian, Richard Gordon, Gregorio Honasan II, Panfilo Lacson, Loren Legarda, Manny Pacquiao, Ralph Recto, Joel Villanueva, Cynthia Villar at Juan Miguel Zubiri. Tumanggi umano si Senador Lacson na magsabi ng iba pang detalyes sapagkat magaganap na lamang ito kung totoo.