|
||||||||
|
||
ISANG matalik na kaibigan at gabay. Ito ang mga katagang nagmula sa mga kasama ng yumaong Senate President Edgardo Angara.
Sa idinaos na necrological services sa Senado, sinabi ni dating Pangulo at Senador at ngayo'y City Mayor of Manila Joseph Estrada, ang maging kaibigan ni Senador Angara ay isang malaking biyaya at karangalan. Malaki umano ang kanyang pag-asa noong kinuha niya si Senador Angara bilang vice presidential candidate na tinalo naman ni Senador Gloria Macapagal-Arroyo.
Samantala, sinabi naman ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na sinuportahan siya ng yumaong senador noong maging pangulo siya at hindi nagtagal ay naging Senate President.
Bahagi naman umano ng kanilang pamilya ang yumaong senate president. Ito ang sinabi ni Congresswoman Pia Cayetano. Hindi umano naging maramot si G. Angara, dagdag naman ni Senate President Aquilino Q. Pimentel, Jr.
Tinutulungan umano siya ni G. Angara noong panahon ng Martial Law subalit tinanggihan niya ito, dagdag pa ni Senador Pimentel, Jr.
Para kay Minority leader Senador Franklin Drilon, malaki ang naging impluensya sa kanyang pagiging abogado at mambabatas ni Senador Angara.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |