Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Opisyal sa PCOO, nagbitiw

(GMT+08:00) 2018-05-18 18:38:22       CRI

WALANG anumang labag sa batas o irregular sa paggastos para sa information campaign ng pamahalaan noong pamunuan ng Pilipinas ang Association of Southeast Asian Nations.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office Undersecretary for Administration and Finance Noel George Puyat na walang dapat pagdudahan sa kanilang ginawa. Ito ang kanyang tugon matapos akusahan ni Senador Antonio Trillanes IV ang PCOO ng mahiwagang paggasta para sa ASEAN. Ani Senador Trillanes, mahiwaga ang pagasta ng P 647 milyon.

Handa umano siyang humarap sa imbestigasyon kung magkakaroon man, dagdag pa ni Undersecretary Puyat. Inihahanda na umano ang mga dokumento at ihaharap sa Senado kung magkakaroon ng pagsisiyasat.

Wala umanong COA report na nagsasabing may anomalya. Magkakabisa ang pagbibitiw ni USec Puyat sa Huwebes, ika-31 ng Mayo.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>