|
||||||||
|
||
HINILING ni Senador Antonio Trillanes IV ang isang pagsisiyasat kung paano ginamit ng Presidential Communications Operations Office ang higit sa P 647 milyon para sa pagpapakilala ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN sa madla noong 2017.
Sa kanyang Resolution 735, hiniling ni Senador Trillanes na mabatid ang detalyes ng "One ASEAN, A Global Player" noong 2017 ng maging punong-abala ang Pilipinas sa pangrehiyong pulong. Nagpakalat ng impormasyon ang PCOO hinggil sa ASEAN sa pamamagitan ng mga roadshow at information caravan.
May kaisa-isang balita noong nakalipas na ikasiyam ng Mayo na nagsabing may anomalyang nakita ang Commission on Audit sa information caravan na ginastusan ng P 647.11 milyon.
Kailangan umanong magpaliwanag ang PCOO kung paano nagastos ang salapi. Sa isang liham na may petsang ika-10 ng Mayo, sinabi ni Edna Saguban, COA supervising auditor sa PCOO na wala pang ang final audit report sa bagay na ito.
Lumabas ang balita sa PTV 4 na nagsabing wala pang ibang detalyes ang impormasyon at wala silang batid na pagsisiyasat hinggil sa paraan ng paggasta sa milyon-milyong piso.
Sinabi naman ni Senador Trillanes na ginamit ang salapi sa pagtustos sa mga troll na nagtataguyod kay Pangulong Duterte at sa kanyang pamahalaan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |