Mayo 21, 2018, Dumalo si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina sa Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng G20 sa Buenos Aires, Argentina.
Ipinahayag ni Wang na ang pagtatayo at pag-unlad ng G20 ay pagpapakita ng mutilateralismo at mahalagang progreso ng reporma ng pangdaigdig na pamamahala. Aniya, ang paggigiit sa multilateralismo, pagpapabuti ng pandaigdig na pamamahala, at pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang interes, ay angkop sa tunguhin ng panahon at komong interes ng iba't ibang bansa. Aniya, dapat gawing target ang win-win situation at itayo ang bagong relasyong pandaigdig; lutasin ang mga isyu sa pamamagitan ng pantay-pantay na pagsasanggunian batay sa pandaigdig na batas at regulasyon; itayo ang community of shared future for mankind batay sa mutilateralismo; at pabutihin ang sistema ng pamamahalang pandaigdig.
Tinukoy ni Wang na kinakaharap ng daigdig ang mga isyu, at ang mga ito ay may kinalaman sa pag-unlad. May responsibilidad ang G20 na lumilikha ng mas maraming pagkakataon para sa mga umuunlad na bansa sa pamamagitan ng pagpapasulong ng paglaki ng kabuhayan ng daigdig, at magkaloob ng mas maraming pagkatig sa pamamagitan ng pagpapahigpit ng kooperasyong pandaigdig.
salin:Lele