|
||||||||
|
||
Hamburg, Germany — Ginanap nitong Biyernes, Hulyo 7, 2017, ang Ika-12 G20 Summit. Dumalo at bumigkas ng talumpati sa summit si Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Ang tema ng summit na ito ay "Shaping an Interconnected World."
Nangulo sa summit si Angela Merkel, Chancellor ng Alemanya. Tinalakay ng mga kalahok na lider ang tungkol sa mga temang gaya ng paglaki ng kabuhayan at kalakalang pandaigdig, sustenableng pag-unlad, pagbabago ng klima, at enerhiya.
Sa kanyang talumpati, ipinag-diinan ni Pangulong Xi na dapat igiit ng G20 ang direksyon ng pagtatatag ng bukas na kabuhayang pandaigdig upang makapagbigay ng bagong puwersang tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig. Bukod dito, dapat aniyang pabutihin ng G20 ang pagsasaayos sa kabuhayang pandaigdig, pasulungin ang magkakasanib na paglaki nito, at pasulungin ang komong kasaganaan, para maisakatuparan ang target ng pagtatayo ng community of common destiny for all mankind.
Nanawagan naman ang mga kalahok na lider na dapat pangalagaan ang malayang kalakalan at regulasyon ng World Trade Organization (WTO). Dapat anilang tutulan ang trade protectionism.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |