Buenos Aires, Argentina—Kinatagpo Martes, Mayo 22, 2018, ni Pangulong Mauricio Macri ng Argentina, si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina.
Ipinahayag ni Macri na buong pananabik niyang inaasahan ang pagdalo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa G20 Summit sa Argentina at pagsasagawa ng dalaw-pang-estado sa kanyang bansa. Aniya, pinahahalagahan ng Argentina ang Belt and Road Initiative na iniharap ng ng panig Tsino. Nananalig siyang ang pagpapalakas ng Tsina at Argentina ng kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative ay magkakaloob ng bagong lakas-panulak para sa malalimang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Sinabi naman ni Wang Yi na ang Argentina ay itinuturing na mahalagang partner ng Tsina sa magkasamang pagtatatag ng Belt and Road, at nakahandang sa pamamagitan ng magkasamang pagtatatag ng Belt and Road, likhain ang bagong prospek ng relasyong Sino-Argentine. Puspusan aniyang kinakatigan ng panig Tsino ang pagtangkilik ng Argentina ng G20 Summit, at nakahandang mahigpit na makipag-ugnayan sa panig Argentine, para mapasulong ang pagtamo ng pulong ng positibong bunga.
Salin: Vera