|
||||||||
|
||
Kinumpirma Huwebes, Mayo 24 ng Hilagang Korea (DPRK) ang pagwasak sa nuclear test site sa Punggye-ri sa dakong hilaga ng bansa. Idinagdag pa ng bansa na pinasabog na ang lahat ng tunel at sinarhan ang mga pasukan ng mga ito.
Ang nasabing pangyayari ay nasaksihan ng mga mamamahayag mula sa Amerika, Britanya, Tsina, Rusya, at Timog Korea (ROK).
Anim na nuclear test ang isinagawa ng Hilagang Korea sa nasabing lugar mula noong Oktubre, 2006 hanggang Setyembre, 2017.
Nitong nagdaang Abril, ipinasiya ng pamahalaan ng Hilagang Korea na itigil ang nuclear test at subok-lunsad ng intercontinental ballistic rocket, simula Abril 21, 2018.
Ang paggiba sa Punggye-ri nuclear test site ay para tiyakin ang transparency ng pagtigil ng nuclear test ng bansa.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |