|
||||||||
|
||
Ipinahayag nitong Sabado, Abril 21, 2018, ng Rusya ang pagtanggap sa ginawang kapasiyahan ng Hilagang Korea na suspendihin mula Sabado ang nuclear test at pagsubok-lunsad ng intercontinental ballistic missile. Anito, ito ay may mahalagang katuturan para ibayo pang mapahupa ang tensyon sa situwasyon ng Korean Peninsula.
Nanawagan din ang Rusya sa Amerika at Timog Korea na isagawa ang mga katugong hakbangin at pababain ang lebel ng aksyong militar sa rehiyong ito upang magkaroon ng kasunduan sa gagawing pagtatagpo ng mga lider ng Timog at Hilagang Korea, at pagtatagpo ng mga lider ng Amerika at Hilagang Korea.
Ayon sa North Korean media, ipinasiya, Biyernes na mula Abril 21, 2018, na suspendihin ang nuclear test at pagsubok-lunsad ng intercontinental ballistic missile ng nasabing bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |