|
||||||||
|
||
SR. PATRICIA ANN FOX, POSIBLENG IPATAPON PABALIK SA AUSTRALIA. Makikia sa larawan si St. Pat, isang misyonerang naglingkod sa mga mahihirap na komunidad Pilipinas sa nakalipas na 27 taon. Lumabag umano sa batas ang madre kaya pinalilisan na sa bansa. (Melo M. Acuna)
SINABI ng Bureau of Immigration and Deportation na posibleng hindi na makabalik si Sr. Patricia Ann Fox kung hindi siya susunod sa kautusang lumisan ng bansa hanggang bukas.
Ayon kay Bb. Dana Sandoval, maaaring masimulan ang bagong deportation proceedings laban sa 71 taong gulang na misyonera kung hindi siya susunod sa kautusan ng bureau na nagpapawalang-saysay ang kanyang missionary visa at ang kautusang lumisan ng bansa bukas.
Posibleng makasama sa blacklist si Sr. Patricia Ann Fox kung hindi siya susunod sa kautusan. Mayroon na ring kahiwalay na deportation proceedings laban sa misyonera.
Inilabas ng Bureau of Immigration ang "final and executory order" kay Sr. Pat na lumisan na ng bansa. Magkakaroon ng deportation proceedings kung hindi lilisan ang misyonera bukas.
Magugunitang inilahay sa blacklist ang isang Italian party official matapos tuligsain ang mga extra-judicial killing sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Lumahok umano si Sr. Pat sa mga pagtitipong hindi nararapat lahukan ng mga banyaga. Aapela si Sr. Pat sa tanggapan ni Justice Secretary Menardo Guevarra. Hindi nagbigay ng pahayag si Secretary Guevarra hanggang hindi nababasa ang mga dokumentong magmumula kay Sr. Pat.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |