|
||||||||
|
||
SINABI ni Secretary Harry Roque na nakatakdang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang national identification system sa oras na makarating sa kanyang tanggapan.
Nagkaisa na ang Kongreso at Senado sa iisang bersyon ng panukalang batas na ipapasa ng dalawang kapulungan bago ipadala sa tanggapan ng pangulo.
Prayoridad ito ng Duterte Administration upang madali ang paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan
Nabanggit na ni Senador Panfilo Lacson na wala namang ipinagkaiba ang dalawang bersyon. Sa panig ng Senado, maglalaman ang national ID ng buong pangalan, larawan, petsa ng kapanganakan, tinitirhan at fingerprints ng partikular na tao.
Sa ilalim ng panukala, ang Philippine Statistics Authority ang paglalagakan at magiging tagapangalaga ng mahahalagang impormasyon hinggil sa mga taong nakalista sa ilalim ng PhilSys.
Nangangamba ang mga kabilang sa Makabayan bloc na posibleng gamitin ang detalyes nito sa mga kalaban ng pamahalaan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |