Ipinahayag noong Disyembre 19, 2016 ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ng Pilipinas na bilang isang bahagi ng pagsisikap ng pagtatatag ng mas mahigpit na relasyon sa Tsina, ipinasiya na ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumanggap ng pautang ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) na pinamumunuan ng Tsina at ito ang pinakamalaking puhunan sa aspekto ng konstruksyon ng imprastruktura sa kasaysayan ng Pilipinas.
Ayon kay Dominguez, kinumpirma na ng AIIB na ipagkaloob ang pautang sa dalawang proyekto ng Pilipinas na kinabibilangan ng pamamahala sa baha at rapid bus transportation system sa Metro Manila.