|
||||||||
|
||
Hefei — Pormal na sinimulan Linggo, Mayo 27, 2018 ang aktibidad ng pagpanayam ng mga pangunahing media ng sampung (10) bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa probinsyang Anhui ng Tsina. Dumalo sa seremonya ng pagsisimula si Yu Aihua, Pirmihang Kagawad ng Komisyong Panlalawigan, at Ministro ng Publisidad ng probinsyang Anhui ng Tsina, at idineklara niya ang pormal na pagsisimula ng nasabing aktibidad.
Ang aktibidad ng pagpanayam ay isang bahagi ng 2018 World manufacturing Convention at 2018 Investment at Trade Expo. Inimbitahan ng aktibidad ang mga pangunahing media ng mga bansang ASEAN na tulad ng Indonesia, Malaysia, Thailand, Singapore, Brunei, Pilipinas, Biyetnam, Laos, Cambodia, Myanmar, at iba pa. Bukod dito, lumahok din ang halos 40 mamamahayag mula sa mga pangunahing mediang Tsino. Sa loob ng darating na isang linggo, pupunta ang reporting group sa anim na lugar na gaya ng Hefei, Huaibei, Suzhou, Bangbu, Huainan, at Liu'an para sa pagpanayam.
Ang nasabing aktibidad ay itinaguyod ng Ministri ng Publisidad ng probinsyang Anhui, at ASEAN-China Center (ACC).
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |