Delegasyon ng mga pangunahing media ng 6 na bansang ASEAN at opisyal ng Lalawigang Hunan
Sa Changsha, Lalawigang Hunan ng Tsina—Sinimulan dito kahapon ng mga mamamahayag na galing sa 6 na bansang ASEAN na gaya ng Pilipinas, Malaysia, Indonesia, Laos, Thailand at Singapore ang "Biyahe ng mga Pangunahing Media sa Maritime Silk Road." Habang nakikipagpalitan sa mga namamahalang tauhan ng mga kinauukulang departamento ng Hunan, tinanaw ng mga panauhing ASEAN ang pagkakataong komersyal at kapaligiran ng pamumuhunan, para hanapin ang kasalukuyang kalagayan at kinabukasan ng pakikipagpalitan at pakikipagtulungan ng kani-kanilang mga bansa sa Lalawigang Hunan.
Tatagal ng isang linggo ang naturang biyahe. Sumali rito ang 11 dayuhang media na kinabibilangan ng Chinese Commercial News ng Pilipinas, Bernama, Star, at Chew Daily ng Malaysia, Java Post at Guo Ji Ri Bao ng Indonesia, Pasaxon at Pathet Lao News Agency ng Laos, National Channel (NBT) at Thai Rath ng Thailand, at Lianhe Zaobao ng Singapore.
Salin: Vera