Kaugnay ng pagpapatalastas ng Malaysia ng planong pagkansela ng proyekto ng Kuala Lumpur-Singapore High-speed Rail, sinabi Martes, Mayo 29, 2018, ni Tagapaggsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na nananalig siyang reresolbahin ito ng Malaysia at Singapore, sa pamamagitan ng pagsasanggunian.
Dagdag pa ni Hua na palagiang isinasagawa ng panig Tsino, kasama ng iba't ibang bansa na kinabibilangan ng Malaysia, ang kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan at pamumuhunan, batay sa simulain ng mutuwal na kapakinabangan, kooperasyon, at win-win situation. Aniya, laging pinapanatili ng Tsina at Malaysia ang mahigpit na relasyong pangkooperasyon sa kabuhayan, kalakalan at pamumuhunan, bagay na nagdulot ng aktuwal na kapakanan para sa mga mamamayan ng dalawang bansa. Nakahanda aniyang patuloy na panatilihin ang mahigpit na kooperasyon sa panig Malaysian.
Salin: Vera