Sinabi kahapon, Lunes, ika-28 ng Mayo 2018, ni Punong Ministro Mahathir Mohamad ng Malaysia, na kakanselahin ang proyekto ng Kuala Lumpur-Singapore High-speed Rail, kahit sinimulan na ang bidding nito.
Sinabi ni Mahathir, na ginawa niya ang desisyong ito, dahil napakalaki ng gastos ng proyektong ito, at wala itong idudulot na pakinabang sa government finance.
Dagdag ni Mahathir, dahil umurong sa proyekto, dapat magbayad ang Malaysia ng 500 milyong Malaysian Ringgit o halos 125 milyong Dolyares na kompensasyon sa Singapore. Makikipag-usap aniya siya sa panig Singaporean, para bawasan ang halagang ito.
Pagkaraang manungkulan bilang Punong Ministro, sinabi ni Mahathir, na malaki ang utang ng pamahalaan ng Malaysia, at ang halaga ay lumampas sa isang trilyong Ringgit. Inilabas na niya ang ilang hakbangin para sa pagbabawas ng fiscal expenditure. Muli ring sinusuri ang mga pinaplano o isinasagawang proyekto ng bansang ito.
Salin: Liu Kai