|
||||||||
|
||
Nitong Sabado, Hunyo 2, 2018, kasiya-siyang natapos ang aktibidad ng pagpanayam ng mga pangunahing media ng sampung (10) bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa probinsyang Anhui ng Tsina.
Ang aktibidad ay isang bahagi ng 2018 World manufacturing Convention at 2018 Investment at Trade Expo. Sa anim (6) na araw na aktibidad, pumunta ang mga reporting group ng mga pangunahing media ng ASEAN na tulad ng Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Thailand, Singapore, Brunei, Biyetnam, Laos, Cambodia, Myanmar, at iba pa, at halos 40 mamamahayag mula sa mga pangunahing mediang Tsino, sa anim na lugar na gaya ng Hefei, Huaibei, Suzhou, Bangbu, Huainan, at Liu'an para sa pagpanayam.
Ipinahayag ng mga mamamahayag ng ASEAN na nagkaroon sila ng malalim na impresyon sa mga natamong tagumpay ng Tsina sa reporma at pagbubukas sa labas nitong 40 taong nakalipas.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |