Ngayong araw, Hunyo 5, 2018 ay World Environment Day. Isang aktibidad na pang-edukasyon ang itinaguyod ng isang kindergarten sa Langfang, Lalawigang Hebei ng Tsina, para mapataas ang kamalayan ng mga bata sa pangangalaga sa kapaligiran.
Sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng kaalaman hinggil sa pag-uuri-uri ng basura at paggawa ng sining na gamit ang basura, nalaman ng mga bata ang pinsala ng plastic waste sa kapaligiran, at itinuro rin sa kanila ang ugaling mapangalaga sa kapaligiran habang bata pa sila.
Salin: Vera