Kasiya-siyang natapos kamakailan ng 15 astronaut ng Tsina ang desert survival training sa Badain Jaran Desert, Lalawigang Gansu ng Tsina. Ito ang kauna-unahang pagsasanay sa pagliligtas ng buhay sa disyerto ng Tsina.
Ayon sa salaysay, tumagal ng 19 na araw ang nasabing pagsasanay na inorganisa ng Astronaut Center of China (ACC). Ang nasabing pagsasanay ay nakakatuon, pangunahin na, sa pagpapataas ng kakayahan ng mga astronaut sa pagligtas ng buhay habang pangkagipitang lumalapag sa disyerto ang manned space craft.
Salin: Vera