Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

(Special Report)Epekto ng inflation rate sa kita ng mga mamamayan, pinagtatalunan

(GMT+08:00) 2018-06-07 18:16:33       CRI

SA likod ng pahayag ng pamahalaang pagiibayuhin ang programang magpapaunlad sa buhay ng mga mamamayan sa pagsapit ng taong 2040, lumago ang inflation rate sa taas na 4.6 percent noong nakalipas na buwan ng Mayo.

Sa isang pahayag ng Department of Budget and Management, National Economic and Development Authority at Department of Finance, inamin nilang tumaas ang halaga ng bigas, mais, isda, tabako at pamasahe na naging dahilan ng mataas na inflation rate.

Ayon sa mga economic manager, ang pagtaas ng gastos sa transportasyon ay dahilan sa pagtaas ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.

Ang pagtaas ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang pamilihan ay higit sa inakala nilang US$ 60 sa bawat bariles na nakadagdag na 0.5 percentage points sa pangkalahatang inflation rate noong Mayo.

Nagnangahulugan lamang ito ng sa bawat pagtaas ng piso dahil sa inflation, magbabayad ang bawat isan ng dagdag na 11 sentimos. Sa pagkakaroon ng external at domestic factors, ang pinagsanib na kontribusyon ng inflation rate ay 0.7 percentage points na nangangahulugan na sa bawat piso dahil sa inflation, magbabayad ng dagdag na 15 sentimos ang bawat isa.

Nagkakaisang sinabi nina Budget and Management Secretary Benjamin Diokno, Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia at Finance Secretary Carlos Dominguez III na ang epekto ng excise taxes sa petrolyo, matatamis na inumin at tabako sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN), umaabot lamang ito sa 0.4 percentage points tulad nang naganap noong nakalipas na Abril.

Sa oras umanong magdagdag ng produksyon ang mga bansang naglalabas ng petrolyo, bababa ang pandaigdigang presyo nito at bababa rin ang pump prices. Subalit hindi na bababa ang presyo ng iba pang mga bilihin.

Kanina, binanggit ng NEDA na ipinakita lamang nila na mabubuhay na ang mga Filipino sa kitang P10,000 bawat buwan at mumunti lamang ang epekto ng 4.6 inflation rate.

Sinabi naman ng IBON Foundation, isang pribadong research group na 'di tulad ng sinasabi ng NEDA na mabubuhay na ang mga pamilyang Filipino sa kitang P 10,000 bawat buwan na tila malayo ito sa katotohanan sapagkat sa kanilang pagtataya, mangangailangan ng P 30,000 bawat buwan para sa pagkain at iba pang karaniwang binibili at binabayaran at hindi pa kasama ang gastos sa pagpapa-aral at pagpapagamot.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>