Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gross international reserves ng Pilipinas, bumaba

(GMT+08:00) 2018-06-08 19:27:40       CRI

IBINALITA ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Nestor A. Espenilla, Jr. na bumaba ang Gross International Reserves ng bansa noong nakalipas na Mayo at umabot na lamang sa US$ 78.97 bilyong dolyar mula sa nakamtang katayuan noong Abril na umabot sa US$ 79.61 bilyon.

Sa isang pahayag, sinabi ni Governor Espenilla na naganap ito dahil sa paglabas ng dolyar mula sa foreign exchange operations ng BSP, pagbabayad ng pamahalaan ng Pilipinas sa mga pagkakautang nito at ang revaluation adjustments sa hawak na ginto ng bangko at ang pagbaba ng halaga ng ginto sa pandaigdigang pamilihan.

Hindi gasinong lumaki ang pagbaba ng gross international reserves dahil sa net foreign currency deposits ng pamahalaan at ang kinita ng Bangko Sentral mula sa investments nito sa ibang bansa.

Ang naganap noong Mayo ay kinakitaan ng sapat na external liquidity buffer at kahalintulad ng halos walong buwang halaga ng aangkating mga kagamitan, kabayaran sa services at sa primary income.

Maihahambing din ito sa halos lima't kalahating ulit ng short-term external debt ayon sa original maturity at maging halos apat na ulit ayon sa residual maturity.

Nangangahulugan ang net international reserves na nagpapatungkol sa pagkakaiba ng Gross International Reserves ng BSP at short-term liabilities. Bumaba ito ng may US$ 640 milyon at nakamatan ang US$ 78.95 bilyon sa pagtatapos ng buwan ng Mayo mula sa nakamtang halagang US$ 79.59 bilyon noong nakalipas na buwan ng Abril.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>