|
||||||||
|
||
Ika-43 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas sa Sabado, ika-9 ng Hunyo, 2018. Ipinahayag kamakailan ni Arturo T. Valdez, dating Kalihim ng Transportasyon at Komunikasyon ng Pilipinas, na sa halip na pinaghihiwalay ang Tsina at Pilipinas, mahigpit na pinag-uugnay ng South China Sea (SCS) ang mga mamamayan ng dalawang bansa.
Si Arturo T. Valdez, dating Kalihim ng Transportasyon at Komunikasyon ng Pilipinas
Noong ika-22 ng Mayo, bumalik sa Pilipinas mula sa Tsina ang Balangay Expedition na pinamunuan ni Valdez, at matagumpay itong naglayag sa ruta ng pagdalaw ni Sultan Batara sa Tsina noong nagdaang mahigit 600 taon. Kaugnay nito, sinabi niyang mahaba ang kasaysayan ng pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas, pero dahil sa malaking epekto ng kulturang kanluranin sa mga Pilipino, kaunti ang pagkaalam nila sa naturang kasaysayan.
Mga bapor ng Balangay Expedition
Dagdag pa ni Valdez, dapat hayaan ang mas maraming Pilipino na malaman ang mapagkaibigang pagpapalitan ng dalawang bansa sa kasaysayan, at ito ay makakatulong sa pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino sa hinaharap.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |