|
||||||||
|
||
Dumaong, nitong Huwebes, ika-3 ng Mayo 2018, sa puwerto ng Xiamen, lunsod ng lalawigang Fujian sa timog silangang baybaying-dagat ng Tsina, ang Balangay Expedition ng Pilipinas. Ito ay simula ng biyahe sa Tsina ng naturang grupong binubuo ng tatlong balangay, isang uri ng bapor na yari ng kahoy at ginamit sa rehiyon ng Pilipinas noong sinaunang panahon sapul noong 320 AD.
Sa pagtataguyod ng Konsulada Heneral ng Pilipinas sa Xiamen, Foreign and Overseas Chinese Affairs Office ng Xiamen, at Bureau of Culture, Radio, Film, Television, Press and Publications ng Xiamen, isang seremonya ang idinaos nitong Biyernes sa Xiamen Port, bilang pagsalubong sa grupong ito.
Samantala, nagpadala ng nakasulat na mensahe si William Lima, Espesyal na Sugo ng Pilipinas sa Tsina, at aniya, hangarin niyang maging matagumpay ang biyaheng ito. Sinabi naman ni Julius Ceasar Flores, Konsul Heneral ng Pilipinas sa Tsina, na ang aktibidad na ito ay pinakamabuting modelo ng pinapalakas na pagpapalitan ng mga mamamayan ng Pilipinas at Tsina.
Isinalaysay naman ni Arturo Valdez, Puno ng Balangay Expedition, na ang kanilang biyahe ay bilang paggunita sa dalaw-pangkaibigan sa Tsina, na ginawa noong 1417 ni Sultan Paduka Batara ng Sulu.
Ayon sa historikal na materyal, noong panahon ni Emperador Yongle ng Ming Dynasty (1403 AD--1424 AD), isinagawa ni Sultan Batara ang dalaw-pangkaibigan sa Tsina, kasama ng mahigit 340 piling kasamahan. Nagtagal sila ng 27 araw sa Beijing. Pabalik na sana sa Pilipinas ang sultan subalit nagkasakit siya pagdating sa Dezhou, siyudad sa lalawigang Shandong sa dakong silangan ng Tsina, noong ika-13 ng Setyembre, 1417. Nabalitaan ng Emperador ang pagkakasakit at pagkamatay ng kanyang matalik na kaibigan kaya't inatasan niya ang kanyang mga opisyal na bigyan ng isang marangyang libing ang Sultan ng Sulu.
Mga modelo ng bapor
Lumisan ng Manila noong ika-28 ng nagdaang Abril ang Balangay Expedition, na binubuo ng 3 balangay at 29 na miyembro. Naglayag sila ng halos 1 libong kilometro hanggang dumating sa Xiamen. Sa darating na ilang araw, mananatili sa Xiamen Port ang 3 bapor, at gagamit ang mga miyembro ng ibang transportasyon, para bumisita sa Jinjiang ng lalawigang Fujian, Dezhou, at Beijing.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |