Ipinahayag Hunyo 7, 2018 ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na sa masusing yugto ng transformation at promotion ng pamumuhunan ng pondong dayuhan, magbibigay-priyoridad ang pamahalaang Tsino sa pagtatatag ng bukas sa pag-usisa at maalwang kapaligirang pampamumuhunan para pasukin ng mas maraming pondong dayuhan ang bansa. Aniya, may bentahe ang Tsina sa larangan ng industry support, market potential, at high quality human resources.
Ipinahayag ni Gao na binalangkas kamakailan ng Konseho ng Estado ng Tsina ang hakbang para ibayong pataasin ang efficiency sa paggamit ng mga pondong dayuhan. Samantala, magbibigay-priyoridad aniya ang Ministri ng Komersyo ng Tsina sa investment facilitation, market access, at rights and interests protection.
Aniya, susuportahan ng pamahalaang Tsino ang mga pondong dayuhan na magbigay-pansin sa gawing gitna at kanluran ng bansa.