Inaasahan ng Tsina ang positibong bunga ng pagtatagpo nina Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos at Kataas-taasang Lider Kim Jong Un ng Hilagang Korea (DPRK), para makatulong sa denuclearization ng Korean Peninsula, sa paraang pulitikal.
Ito ang ipinahayag ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon Lunes, Hunyo 11.
Nakatakdang mag-usap ang dalawang lider ngayong araw. Kapuwa sila dumating na sa Singapore. Sa kahilingan ng Hilagang Korea, ang airline ng Tsina ay nagkaloob ng serbisyo sa biyahe ni Kim sa Singapore.
Salin: Jade
Pulido: Mac