Singapore—Nagkamayan sina Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos at Kataas-taasang Lider Kim Jong Un ng Hilagang Korea (DPRK) ngayong umaga, bago ang kauna-unahang summit ng nasabing dalawang bansa.
Isang bagong pasimula ito, ani Trump habang nakikipagkamay siya kay Kim.
Ayon sa White House, sa kanilang isang-araw na pagtatagpo, magkakaroon sina Kim at Trump ng bilateral na pag-uusap. Magdaraos din ng malawakang pag-uusap ng dalawang pamahalaan. Kabilang sa mga tampok ng pagtatagpo ay paraan at iskedyul ng denuclearization ng Korean Peninsula, at kung paano ibibigay ng Amerika ang garantiyang panseguridad sa Hilagang Korea.
Salin: Jade
Pulido: Mac