Ayon sa pinakahuling ulat tungkol sa pag-unlad ng kabuhayang Biyetnames na inilabas Huwebes, Hunyo 14, 2018, ng World Bank (WB), tinaya nitong sa taong 2018, umabot sa 6.8% ang bahagdan ng paglaki ng Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng bansang ito. Ito ay mas malaki kaysa naunang tinayang 6.5%.
Tinukoy ng ulat na bagama't bumuti ang prospek ng kabuhayang Biyetnames sa maikling panahon, kinakaharap pa rin niro ang malinaw na panganib. Sa loob ng bansa, naging mabagal ang progreso ng pagre-re-organisa ng mga bahay-kalakal at industriya ng bangko ng bansa, na posibleng nagdudulot ng masamang epekto sa kalagayan ng makro-ekonomy. Sa labas ng bansa naman, kinakaharap ng kabuhayang Biyetnames ang mga panganib na tulad ng pag-u-upgrade ng trade protectionism.
Salin: Li Feng