Ayon sa pagtaya ng Ministri ng Pagpaplano at Pamumuhunan ng Biyetnam kahapon, Agosto 10, 2017, 6.5% ang bahagdan ng paglaki ng growth rate ng Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng Biyetnam sa kasalukuyang taon. Ito ay mas mababa kaysa naunang target na 6.7%.
Anang nasabing ministri, ang mga dahilan sa pagbaba ng GDP growth rate kaysa inaasahang target ay kinabibilangan ng di-matatag na geopolitics, negatibong epekto sa kalakalang Biyetnames na dulot ng paglakas ng global trade protectionism, direktang epekto sa pagluluwas ng Biyetnam na dulot ng trade protectionism at tariff policy ng Amerika, pagbaba ng presyo ng crude oil, at iba pa.
Salin: Li Feng