|
||||||||
|
||
Ipinagdiinan ni Pangulong Pangulong Xi Jinping ng Tsina na saligang layunin ng pagpapaunlad ng bansa na pasulungin ang kapakinabangan ng mga mamamayan. Aniya, para rito, dapat ipauna ng iba't ibang sektor ng bansa ang pangangailangan at malasakit ng mga mamamayan hinggil sa hanap-buhay, edukasyon, kita, social security, medicare, at pag-aalaga sa matatanda.
Idinagdag pa ni Xi na upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan, kailangang tupdin ng iba't ibang sektor ng bansa ang bagong pananaw sa pag-unlad para maisakatuparan ang de-kalidad na pag-unlad at pasulungin ang kakayahan sa inobasyon sa kaunlarang pangkabuhaya't panlipunan.
Winika ito ni Pangulong Xi makaraan ang kanyang tatlong araw na paglalakbay-suri sa Shandong, lalawigan sa dakong silangan ng Tsina mula Hunyo 12 hanggang Hunyo 14.
Sa kanyang biyahe sa Shandong, dumalaw si Pangulong Xi sa mga bahay-kalakal at nangumusta sa mga mamamayang lokal.
Si Pangulong Xi habang dumadalaw sa pamilya ni taga-nayon na si Zhao Shunli, sa Nayong Sanjianxi, Distrito Zhangqiu, Jinan, punong lunsod ng Shandong, Hunyo 14, 2018. (Xinhua/Xie Huanchi)
Si Pangulong Xi habang nakikipag-usap sa mga residenteng lokal ng Nayong Sanjianxi, Distrito Zhangqiu, Jinan, punong lunsod ng Shandong, Hunyo 14, 2018. (Xinhua/Xie Huanchi)
Si Pangulong Xi habang dumadalaw sa high-end fault tolerant computer production base ng Inspur Group sa high-tech zone, Jinan, punong lunsod ng Shandong, Hunyo 14, 2018. (Xinhua/Li Xueren)
Si Pangulong Xi habang bumibisita sa Wanhua Chemical Industrial Park sa Yantai, siyudad sa Lalawigang Shandong , Hunyo 13, 2018. (Xinhua/Xie Huanchi)
Si Pangulong Xi habang bumibisita sa base ng China International Marine Containers (CIMC) Raffles sa Yantai, siyudad sa Lalawigang Shandong , Hunyo 13, 2018. (Xinhua/Xie Huanchi)
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |