Sa kanyang pagdalo sa malawakang pag-uusap ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) Summit sa Qingdao, Tsina, ipinag-diinan Linggo, Hunyo 10, 2018, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat tumpak na alamin at hawakan ang pangkalahatang tunguhing pandaigdig at direksyon ng siglo.
Sinabi niya na bagama't umiiral pa rin ang hegemonism at power politics sa kasalukuyang daigdig, hindi dapat balewalahin ang panawagan para pasulungin ang pag-unlad ng kaayusang pandaigdig sa mas makatarungan at matuwirang direksyon. Aniya, ang demokrasya sa relasyong pandaigdig ay nagiging di-mahahadlangang tunguhin ng siglo. Sa kabila ng walang humpay na nakikitang hamong panseguridad sa mga tradisyonal at di-tradisyonal na larangan, tiyak na mapagtatagumpayan ng puwersang nagtatanggol sa kapayapaan ang lakas na smisira sa kapayapaan, at ang seguridad at katatagan ay komong mithiin ng mga mamamayan, aniya. Bagama't lumilitaw ang bagong unilateralism, trade protectionism, at ideya ng anti-globalization, ang kooperasyon at paghahanap ng win-win situation ay nananatiling pangakalahatang tunguhin dahil sa kasalukuyang "global village," dagdag pa niya.
Salin: Li Feng