|
||||||||
|
||
Si Consul Marlowe Miranda kasama sina (L-R) Aiza Seguerra, Consul General Wilfrido Cugugan ng Philippine Consulate General ng Shanghai at Liza Dino, Chairman ng Film Development Council ng Pilipinas
Kaugnay ng paglahok ng mga pelikulang Pilipino sa Ika-21 Shanghai International Film Festival, ipinahayag ni Marlowe Miranda, Consul ng Consulate General ng Pilipinas sa Shanghai, na magiging "staple" na ang paglahok sa pestibal ng cultural exchanges ng Tsina at Pilipinas.
Aniya, "Ngayon mas lalo pang lumalago, umiigting ang kooperasyon na yan. Yung pagsali ng dalawang pelikula sa kompetisyon. Kung noong nakaraang taon, paisa-isa lang, ngayon 2 na. Siguro sa susunod na mga taon, mas marami pang Filipino films ang ilalaban natin dito."
Sinabi pa niyang maganda ang resulta ng paglahok ng mga Pinoy films nitong nakaraang dalawang taon, kung saan nanalo ang pelikulang Pedicab at Hamog.
Dagdag ni Consul Miranda, maraming (Pilipino) ang nag-iintay at gustong malaman kung saan nila mapapanood (ang mga Pinoy entries).
Hamog (Haze), ginawaran ng Award for Outstanding Artistic Achievement sa Ika-19 na Shanghai International Film Festival
PAUWI NA (Pedicab), nanalo ng Award for Best Feature Film ng 20th SIFF Golden Goblet Awards
Ulat: Mac
Larawan:Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |