|
||||||||
|
||
Isinapubliko Martes, Hunyo 19, 2018, ng All-China Journalist Association (ACJA) ang "Chinese Journalism Development Report (2017)." Ito ang ika-4 na beses na pagsasapubliko ng ACJA ng nasabing ulat nitong apat na nagdaang taong singkad.
Ipinagdiinan ng ulat na lubos na pinahahalagahan ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at pamahalaang Tsino ang pag-unlad ng journalism ng bansa. Maraming beses na bumigkas ng talumpati si Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ng Komite Sentral ng CPC tungkol sa usaping ito, bagay na nagbibigay ng puwersang patnubay sa reporma, inobasyon, at malusog na pag-unald ang Chinese journalism. Noong isang taon, binalangkas at isinagawa ng Departamento ng Pubsilidad, organo ng pamahalaan, at kaukulang organisasyon ang isang serye ng patakaran at hakbangin upang puspusang katigan ang journalism industry ng bansa.
Samantala, aktibong hinahanap ng mga mediang Tsino ang mga mabisang hakbangin sa bagong situwasyon upang ibayo pang mapasulong ang mga gawain ng opinyong publiko ng bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |