Sa kanyang talumpati sa Working Conference ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) tungkol sa Suliraning Panlabas na idinaos noong Hunyo 22 hanggang 23, 2018 sa Beijing, ipinagdiinan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC na dapat pasulungin ng Tsina ang pagtatatag ng "Community with Shared Future for Mankind," aktibong lumahok sa pagpapabuti ng pandaigdigang sistema ng pagsasaayos, at bumuo ng mas maayos na network ng partnership sa buong daigdig. Positibong pinapurihan ng mga dalubhasang dayuhan ang ideyang diplomatiko ng Tsina na iniharap ni Xi.
Ipinahayag naman ni Lucio Pitlo, Lecturer ng Chinese Studies Program ng Ateneo de Manila University na ang mga patakarang diplomatiko ng Tsina ay humahanap ng kooperasyon at pag-unlad, iginagalang nito ang pagkakaiba ng mga sistemang pangkabuhayan at pampulitika ng iba't ibang bansa. Aktibo aniyang lumalahok ang Tsina sa pagpapabuti ng pandaigdigang sistema ng pagsasaayos, at ito ay makakabuti sa mga umuunlad na bansa upang magtamo ng mas malaking karapatan sa pagsasalita hinggil sa mga suliraning pandaigdig.
salin:Lele