|
||||||||
|
||
Kinatagpo Biyernes, Hunyo 29, ni Han Zheng, Pangalawang Premyer ng Tsina si Teo Chee Hean, Pangalawang Punong Minitro ng Singapore.
Kapuwa ipinahayag ng dalawang lider ang pagpapahalaga sa relasyong Sino-Singaporeano. Sumang-ayon din silang pahigpitin ang pagtutulungan sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI), sa larangan ng konektibidad, pinansya, at pakikipagtulungan sa ikatlong panig. Ipinahayag din nila ang patuloy na suporta sa malayang kalakalan.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |