Ayon sa ulat na ipinalabas kamakailan ng United Overseas Bank Limited (UOB), nangungunang bangkong Asyano na nakabase sa Singapore, noong taong 2017, sa tulong nito, 20 bilyong Singapore dollars ang ibinuhos ng mga bahay-kalakal na Tsino sa pamilihan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Sa taong ito, susuportahan nito ang mas maraming bahay-kalakal na Tsino na pumasok sa pamilihang ASEAN.
Anito pa, ginawa UOB ang nasabing desisyon dahil ika-8 taong singkad na ang Tsina ang nagsisilbing pinakamalaking trade partner ng ASEAN. Bukod dito, magkakasamang pinapasulong ng mga bahay-kalakal na Tsino at dayuhan ang Belt and Road Initiative para sa komong kasaganaan.
Sinabi naman ni Sam Cheong Chwee Kin, Puno ng Foreign Direct Investment Advisory Unit ng UOB, na sa kasalukuyan, pinabibilis ng mga bansa ng ASEAN ang pagpapasulong ng industrya at imprastruktura, kaya, lumalaki ang pangangailangan sa puhunang dayuhan at paglilipat ng teknolohiya.
Salin: Jade
Pulido: Mac