|
||||||||
|
||
Construction site ng metro line 17 ng subway ng Beijing
"Umaasa akong mabibigyan ng Tsina ng mas maraming tulong at pagkatig ang Pilipinas sa aspekto ng konstruksyon ng imprastruktura ng komunikasyon." Ito ang winika ni Ginoong Ernesto M. Hilario, Columnist ng pahayagang "Business Mirror" ng Pilipinas.
Mula noong Hunyo 26 hanggang 29, 2018, sa paanyaya ng Tanggapan ng Impormasyon ng pamahalaan ng Beijing at China Media Group CRI Online, pumunta sa Beijing si Ginoong Hilario upang dumalo sa aktibidad na "2018 Silk Road Rediscovery Tour of Beijing."
Construction site ng metro line 17 ng subway ng Beijing
Sa kasalukuyan, napakalaki ng populasyon sa Metro Manila, at napakalaki ng presyur sa komunikasyon. Makaraang bumisita si Hilario sa construction site ng metro line 17 ng subway ng Beijing, binigyan niya ng lubos na papuri ang proyektong ito. Sinabi niya na hindi mabuti ang kondisyon ng komunikasyon sa Metro Manila, at ang pagpapaunlad ng subway ay makakapagpahupa sa tensyong ito. Aniya, dapat pag-aralan ng Pilipinas ang mga hakbang ng Tsina sa aspekto ng pagtatatag ng subway upang mapahupa ang tensyon sa komunikasyon ng Metro Manila.
Si Ginoong Ernesto M. Hilario, Columnist ng pahayagang "Business Mirror" ng Pilipinas
Nang mabanggit ang unang itinatatag na subway sa Metro Manila, ipinahayag ni Ginoong Hilario na ang teknikang Hapon ay ginamit ng Pilipinas sa pagtatatag ng unang subway ng Metro Manila. Ngunit, ipinalalagay niya na posibleng magiging mas bagay sa Pilipinas ang mga teknikang Tsino.
Kaugnay ng kooperasyong Sino-Pilipino sa konstruksyon ng imprastruktura ng komunikasyon, ipinahayag ni Ginoong Hilario ang pag-asang makakapagbigay ang Tsina ng mas maraming tulong at pagkatig sa Pilipinas sa aspekto ng talento at teknika upang tulungan ang Pilipinas sa pagpapaunlad ng subway sa bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |