|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina—Simula Agosto 14, nagagamit na sa lahat ng linya ng Beijing metro ang mobile phone payment.
Ayon sa Beijing Subway, ang mga pasahero na may compatible phone model ay maaaring mag-download ng App para makasakay ng subway at i-recharge online ang kanilang e-ticket. Ang nasabing e-ticket ay kasalukuyang limitado sa mga 160 Android phone models na may near field communication (NFC) function.
Isang pasahero habang nag-si-swipe ng kanyang cellphone sa isang metro station sa Beijing, Agosto 14, 2017. (Xinhua/Du Jianpo)
Ayon sa datos ng China Internet Network Information Center, sa kasalukuyan, lampas sa 500 milyon ang bilang ng mobile payment users sa Tsina.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |