Madaling araw ng Hunyo 28, 2018, pumunta sa Tian'anmen Square si Ginoong Ernesto M. Hilario, Columnist ng pahayagang "Business Mirror" ng Pilipinas upang dumalo sa seremonya ng pagtataas ng pambansang watawat ng Tsina.
Mula noong Hunyo 26 hanggang 29, 2018, sa paanyaya ng Tanggapan ng Impormasyon ng pamahalaan ng Beijing at China Media Group CRI Online, pumunta sa Beijing si Ginoong Hilario upang dumalo sa aktibidad na "2018 Silk Road Rediscovery Tour of Beijing."
Ipinahayag ni Ginoong Hilario na ito ang kanyang unang pagkakataong nanood sa nasabing seremonya, at naging excited na excited siya. Aniya, ang Nasyong Tsino ay isang dakilang nasyon. Sa pamamagitan ng flag-raising ceremony, napapataas ang damdamin ng pagmamalaki ng mga mamamayang Tsino, at napapalakas nang malaki ang kanilang pagsasama-sama bilang nasyon, dagdag pa niya.
Bukod dito, ipinahayag din niya ang pasasalamat sa tagapagtaguyod. Aniya, dahil sa pagsisikap ng tagapagtaguyod, maalwang isinasagawa ang nasabing aktibidad at natamo ang malaking bunga.
Salin: Li Feng