|
||||||||
|
||
Binalaan kahapon ng American Chamber of Commerce na ang kapasiyan ng pamahalaan ng Amerika na magpataw ng taripa sa mga inaangkat na paninda at ang retaliatory tariff ng ibang ekonomiya sa Amerika ay magdudulot ng kapinsalaan sa mga bahay-kalakal at mamimili ng Amerika. Ito rin ay magbabanta sa kabuuang economic recovery ng Amerika.
Ayon sa pag-aanalisa ng ulat na ipinalabas nang araw rin iyon ng American Chamber of Commerce, ang bagong taripa ng Amerika na tungo sa mga inaangkat na steel and aluminum products at sa mga panindang Tsino, at ang potensiyal na additional tariff sa mga inaangkat na sasakyang de motor at mga spare parts, ay nagtulak ng Amerika sa tungo sa trade war. Ngayon, ipinalabas na o isinagawa na ng Canada, Mexico, EU at Tsina ang hakbangin ng paglaban sa sangsyon sa mga panindang Amerikano.
Ipinakikita ng ulat na hanggang sa linggong ito, naapektuhan ang mga inuluwas na panindang Amerikano na nagkakahalaga ng mga 75 bilyong dolyares. Apektado ang pagluluwas ng iba't ibang estado ng Amerika sa iba't ibang antas.
Ipinahayag ng American Chamber of Commerce na ang aksyon ng pamahalaang Amerikano ng pagdaragdag ng taripa sa mga inaangkat na paninda ay, sa katotohanan, pagdaragdag ng taripa sa mga bahay-kalakal at mamimili ng Amerika. Magbabayad sila ng mas maraming pera para sa daily necessities and raw materials. At ang additional tariff ng ibang ekonomiya sa Amerika ay magdudulot ng mas mataas na presyo ng inaangkat na paninda ng Amerika, pagbabawas ng pagbebenta, at pagbabawas ng trabaho sa loob ng Amerika.
Binalaan ni Tom Donohue, Puno ng American Chamber of Commerce na ang pagdaragdag ng Amerika ng taripa ay magdudulot ng mas maraming retaliatory tariff at trade war, at pagkakapinsala sa employment at paglaki ng kabuhayan ng Amerika. Hinimok niya na dapat baguhin ng pamahalaang Amerikano ang kasalukuyang patakaran at isasagawa ang mas matalino at mas epektibong paraan para lutasin ang alitan nito sa mga trade partners.
Ang American Chamber of Commerce ay samahang komersyal na mayroong pinakamalawak na saklaw sa Amerika. Kumakatawan ito sa interes ng mahigit 3 milyong bahay-kalakal, Chamber of Commerce ng mga states at lokal na Chamber of Commerce.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |