Ipinahayag kahapon sa Manama, kabisera ng Bahrain ni Antony Blinken, Pangalawang Kalihim ng Estado ng Amerika, na nakahanda ang kanyang bansa na buong sikap na magbigay-tulong sa pagsasakatuparan ng pangmatalagang katatagan at kapayapaan sa Gitnang Silangan.
Sinabi niyang sa kasalukuyan, kinakaharap ng rehiyong ito ang malubhang krisis sa humanitaryan, at banta ng terorismo at ekstrimismo, kaya magbibigay-tulong ang Amerika sa pagtatatag ng sistemang pandepensa at pagpapahigpit ng cyber security sa rehiyong ito.
Bukod dito, binigyang-diin din niyang ang paraang pulitikal ay pinakamabisang paraan sa paglaban sa ekstrimismo at paggarantiya ng kalayaan, kagalangan at kaligtasan ng mga mamamayan sa rehiyong ito.