Ayon sa pinakahuling report ng Bank of America Merrill Lynch, ang mga patakarang pangkalakalang isinasagawa ng pamahalaan ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ay katulad ng mga patakaran ipinatupad noong Dekada 80, at tulad ng 30 taong nakalipas, ang mga mamimiling Amerikano ay magiging pinakamalaking talunan sa "trade war."
Ayon sa pag-analisa sa ulat ni Ethan Harris, isang economist ng Bank of Amerika Merrill Lynch na dapat aralin ang karanasan mula sa mga patakarang isinagawa noong Dekada 80. Una, ang paglalagay ng tariff barrier ay hindi tiyak na magpapaliit ng trade deficit; ika-2, ang pagtaas ng presyo ng mga kalakal ay babayaran ng mga mamamayang Amerikano; at ika-3, kahit gustong magkaloob ng pamahalaan ng proteksyon sa ilang industryang gaya ng paggawa ng sasakyan, hindi talagang matatamo ang benepisyo.
salin:Lele