Ayon sa ulat noong ika-26 ng Hunyo, 2018 ng Xinhua News Agency, sa kanyang pakikipagtagpo kamakailan kay Leo Varadkar, Punong Ministro ng Ireland, ipinahayag ni Christine Lagarde, Managing Director ng International Monetary Fund (IMF) na ang lumalalang tensyon ng pandaigdigang relasyong pangkalakalan ay nagbabanta sa kalagayan ng kabuhayang pandaigdig. Walang nagtagumpay sa trade war, aniya pa.
Ayon sa ulat na inilabas ng Tanggapan ng Impormasyon ng Pamahalaan ng Ireland, nagpalitan ng mga palagay sina Lagarde at Varadkar hinggil sa prospekt ng kabuhayan at kalakalang pandaigdig. Sinang-ayunan nilang ang bukas at multilateral na kaasyusang batay sa batas ay pundasyon ng kasaganaan ng daigdig. Kumakatig din ang dalawang panig sa ideya ng malayang kalakalan at bukas na pamilihan.
salin:Lele