Miyerkules, Hulyo 4, 2018, isinakdal ng organo ng prokuratura ng Malaysia si dating Punong Ministro Najib Razak sa kasong korupsyon. Itinanggi naman ni Najib ang lahat ng mga akusasyon laban sa kanya.
Ayon sa akusasyon, sa termino ni Najib bilang punong ministro at ministro ng pananalapi ng bansa, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, nakakuha siya ng 42 milyong Ringgit (10.5 milyong dolyares) sa transaksyon ng SRC International, dating sangay ng 1Malaysia Development Berhad (1MDB). Ang aksyong ito ay labag sa kaukulang batas ng Malaysia, at kaya siya ay kinasohan ng panlulustay at tatlong beses na pagtalusira sa tiwala.
Ang pagdinig ay nakatakdang idaraos sa ika-8 ng Agosto, at lilitisin ang kaso sa Pebrero ng susunod na taon, ayon sa inisyal na plano.
Salin: Vera